Browse and download our factsheets in Filipino

This fact sheet explains what constipation is and suggests some ideas for improvement and tells you where to get more help.

Ang papel-kaalamang ito ay naglilinaw kung ano ang pagtitibi at nagmumungkahi ng ilang ideya upang humusay at nagsasabi kung saan ka makakakuha ng tulong.

What is constipation?

Constipation is a common disorder where bowel actions ('poo' or faeces) are not easily and/or less frequently passed. Symptoms of constipation include:

  • Hard stools
  • Excessive straining
  • Being unable to pass faecal matter and/or feeling as though your bowels are not completely emptied

Ano ang pagtitibi?

Ang pagtitibi ay isang karaniwang karamdaman kung saan ang mga pagdumi(‘dumi’ o tae) ay hindi madali at/o madalang mailabas. Kabilang sa mga sintomas ng pagtitibi ay:

  • Mga tubol
  • Labis na pag-iiri
  • Hirap na maipalabas ang dumi at/o ang pakiramdam na tila ang iyong mga bituka ay hindi lubos na nailabas ang dumi

What does being 'Regular' mean?

  • You can 'hold on' to your bowel action until you get to the toilet
  • Once you are sitting on the toilet you can start a bowel action
  • You feel that you have emptied your bowel fully
  • Going to the toilet anywhere between 3 times a day to 3 times a week.
  • Being 'regular' can vary from person to person.

Ano ang ibig sabihin ng pagiging ‘Regular’?

  • Kinakaya mong ‘pigilan’ ang pagdumi hanggang makaabot ka sa kubeta
  • Kapag nakaupo ka na sa inodoro, maaari mo nang simulan ang pagdudumi
  • May pakiramam kang lubos na nailabas ang iyong dumi
  • Ang pagpunta sa kubeta alinman sa pagitan ng 3 beses isang araw hanggang 3 beses isang linggo.
  • Ang pagiging ‘regular’ ay maaaring naiiba sa bawat tao.

What can cause constipation?

  • Insufficient fibre intake in the diet
  • Insufficient daily fluid intake
  • Insufficient exercise
  • Prescription and/or over-the-counter pain relief medications or chronic health conditions
  • Pregnancy and childbirth
  • Bowel disorders and/or damage that require further medical investigation
  • Prolapse - a sagging and/or collapsing of internal organs which interferes with bladder and bowel control

Ano ang maaaring sanhi ng pagtitibi?

  • Hindi sapat ang nakaing himaymay sa diyeta
  • Hindi sapat ang nainom na likido sa araw-araw
  • Hindi sapat na ehersisyo
  • Niresetahan at/o mga gamot na pain relief (pampahupa ng kirot) na hindi kailangan ng reseta o mga matagal nang sakit
  • Pagbubuntis at panganganak
  • Mga karamdaman sa bituka at/o pinsala na nangangailangan ng higit pang pagsusuring medikal
  • Prolapse—isang lumalaylay at/o gumuguhong mga organo sa loob ng katawan na humahadlang sa pagkokontrol ng pantog at bituka

What should your 'poo' look like?

Your poo should be light or dark brown, sausage-shaped, soft but firm, easy to pass and with minimal odour. Aim to have a type 3 or type 4 bowel action.

Ano dapat ang hitsura ng iyong ‘dumi’?

Ang iyong dumi ay dapat na mapusyaw o malalim na kulay kape, hugis langgonisa, malambot pero buo, madaling mailabas at katamtaman ang amoy Maglayong magkaroon ng tipo 3 o tipo 4 na pagdumi.

Common Bowel Problems

Faecal Impaction - When constipation causes faeces to pack the intestine (digestive tract) so tightly that your normal pushing action in the toilet is not strong enough to push the faeces out.

Faecal Incontinence (sometimes referred to as 'soiling') - This is the accidental loss of liquid or solid faeces. This can be due to the bowel (which stores the faeces) being too full, but this may be only one of the causes. Uncontrolled flatus ('wind') is often considered evidence of faecal incontinence.

Haemorrhoids (sometimes referred to as 'piles') - This can be the result of straining to have a bowel movement. This strain (similar to heavy lifting) can damage the rectum's veins. This can cause bleeding, soreness and itching.

Rectal Prolapse - This occurs when long-term straining causes a small amount of bowel lining to push out from the anus, which is a ring of muscle that opens and closes when we pass a bowel motion. 

Karaniwang mga Problema sa Bituka

Pagbabara ng Dumi (Faecal Impaction) – Kapag ang pagtitibi ay nagiging sanhi ng sobrang pagsisikip ng duming naiipon sa bituka (daanang pantunaw) na ang normal mong pag-iri sa kubeta ay hindi na sapat para maitulak- palabas ang dumi.

Kawalan ng Pagkokontrol sa Pagdumi (tinatawag minsan na ‘pagkakalat’) – Ito ay ang di sinasadyang pagkalabas ng likido o solidong dumi. Maaaring ito ay sanhi ng bitukang (na imbakan ng dumi) sobrang puno na, pero maaaring isa lamang ito sa mga dahilan. Ang hindi mapigilang pag-utot (‘wind’) ay kadalasang ipinapalagay na ebidensya ng kawalan ng pagkokontrol sa pagdumi.

Almoranas (minsan at tinatawag na ‘piles’) - Ito ay maaaring resulta ng pag-iiri para dumumi. Ang pag-iiring ito (katumbas ng pagbubuhat ng mabibigat) ay maaaring makapinsala sa mga ugat ng tumbong. Maaaring maging sanhi ito ng pagdurugo, pamamaga, at pangangati.

Pagkaluslos ng Tumbong – Nangyayari ito kapag ang matagalang pag-iiri para dumumi ay nagiging sanhi, na ang maliit na bahagi ng pinakadingding ng bituka ay lumabas sa tumbong, na isang pabilog na kalamnam na bumubukas at sumasara kapag dumudumi. 

How constipation affects bladder control

Constipation can cause accidential leakage from your bladder. An overfull bowel will cut down the volume of urine your bladder can hold and you will feel the need to go to the toilet often and in a hurry.

Paano nakakaapekto sa pagkontrol ng pantog ang pagtitibi

Ang pagtitibi ay maaaring sanhi ng di-sinasadyang tagas mula sa iyong pantog. Mababawasan ng sobrang punong bituka ang dami (volume)ng ihi na maiipon ng pantog at mararamdaman mong kailangan mong magkubeta nang madalas at nagmamadali.

Here are five ways to keep your bladder and bowel healthy and prevent constipation:

Eat well to keep your bowels regular and to have a healthy body weight

Eat a healthy diet high in fibre (at least 30g per day).

Drink well to prevent constipation and bladder irritation

Drink 1.5 -2 Litres(6-8 glasses) of fluid each day unless advised otherwise by your doctor. Fluid is water, fruit juice, tea, coffee, milk, soup, jellies and icecream.

Exercise daily to prevent constipation and keep a healthy body weight

Keep your pelvic floor strong for good bladder and bowel control

Request a pelvic floor muscle exercise leaflet by calling the National Continence Helpline 1800 33 00 66.

Toileting habits - Go to the toilet as soon as you need to and empty your bowel fully. Remember to relax.

Narito ang limang paraan para panatilihing malusog ang iyong pantog at bituka at maiwasan ang pagtitibi:

Kumain nang mabuti para panatilihing regular ang iyong mga pagdumi at magkaroon ng malusog na timbang ng katawan

kumain ng isang malusog na diyetang mahimaymay (30g man lang kada araw).

Uminom nang mabuti para maiwasan ang pagtitibi at iritasyon sa pantog

Uminom ng 1.5-2 Litro(6-8 baso) ng l likido kada araw maliban kung iba ang ipinayo ng iyong doktor. Ang likido ay tubig, katas ng prutas, tsaa, kape, gatas, sopas, mga jelly, at ice cream.

Mag-ehersisyo araw-araw para maiwasan ang pagtitibi at panatilihin ang malusog na timbang ng katawan

Panatilihing malakas ang iyong pelvic floor para sa mainam na kontrol sa pantog at bituka

Humiling ng polyeto ng ehersisyo para sa kalamnan ng pelvic floor sa pamamagitan ng pagtawag sa National Continence Helpline 1800 33 00 66.

Mga gawi sa pangungubeta – Pumunta kaagad sa kubeta kapag kailangang magbawas at magbawas nang kumpleto. Tandaan na mag-relaks.

Check your toileting postion:

  • Your knees should be raised slightly above the level of your hips
  • A small footstool might be needed to get you into the best position
  • See the diagram below for further help

Suriin ang posisyon mo sa pangungubeta:

  • Ang mga tuhod mo ay nakataas nang bahagya lampas sa iyong mga balakang
  • Isang maliit na tuntungan ang maaari mong kailanganin para umakma sa pinakamaiging posisyon
  • Tingnan ang diagram sa ibaba para sa dagdag pang tulong

Laxatives

  • Laxatives are medicines that will help loosen the bowel motion to prevent blockages and straining.
  • Talk to your doctor about using these.
  • Generally, laxatives should only be taken for short periods of time.

Mga Pampurga

  • Ang mga pampurga ay mga gamot na makatutulong sa maluwag na pag-andar ng bituka para maiwasan ang pagbabara at pag-iiring dumumi. 
  • Kausapin ang iyong doktor tungkol sa paggamit ng mga ito.
  • Sa pangkalahatan, ang mga pampurga ay dapat na inumin sa maikling panahon lamang.

There are three types of laxatives:

  • Bulking Agents - These increase the bulk of the stool (faeces). Drinking at least 6-8 glasses of fluid daily is essential.
  • Lubricant Laxatives - These soften the faeces and make them easier to pass.
  • Stimulant/Irritant Laxatives - These make the bowel more active in moving faeces through the bowel.

Mayroong tatlong uri ng mga pampurga:

  • Bulking Agents ‐ Pinalalaki nito ang bulto ng dumi (tae) Ang pag-inom ng 6-8 baso ng likido araw-araw ay mahalaga.
  • Lubricant Laxatives ‐ Ang mga ito ay nagpapalambot ng dumi at pinadadali nito ang pagbabawas.
  • Stimulant/Irritant Laxatives ‐ Ang mga ito ay mas nagpapaaktibo sa bituka para sa pagdumi.

If constipation is severe or continuing, go to your Doctor.

Kung ang pagtitibi ay malala o patuloy, dalawin ang iyong doktor.

Who can help?

The first step to improving your bowel control is to have a full continence assessment carried out by a health professional.

Sino ang maaaring tumulong?

Ang unang hakbang sa pagpapahusay ng pagkontrol ng iyong bituka ay ang pagkakaroon ng kumpletong pagtatasa sa continence na isasagawa ng propesyonal sa kalusugan.

For more information

There are a range of health professionals who can help you deal with constipation.

  • Visit your GP or specialist
  • Telephone a Continence Nurse Advisor on the National Continence Helpline 1800 33 00 66
  • To use an interpreter, ring the Translating and Interpreting Service (TIS) on 13 14 50

Para sa higit pang impormasyon

Mayroong hanay ng mga propesyonal sa kalusugan na maaaring makatulong sa iyong harapin ang pagtitibi.

  • Bisitahin ang iyong GP o espesyalista
  • Tawagan sa telepono ang Continence Nurse Advisor saNational Continence Helpline 1800 33 00 66
  • Upang makakuha ng isang interpreter, tawagan ang Translating and Interpreting Service (TIS) sa 13 14 50
0

Last Updated: Fri 30, Jul 2021
Last Reviewed: Tue 17, Mar 2020