What is poor bowel control?People with poor bowel control accidentally pass bowel motions at the wrong time or in the wrong place. They may also pass wind when they do not mean to. |
Ano ang hindi mahusay na pagkontrol sa pagdumi?Ang mga taong hindi mahusay ang pagkontrol sa pagdumi ay nagkakaroon ng mga aksidente sa pagdumi sa maling oras o maling lugar. Maaari din silang mapa-utot nang hindi nila sinasadya. |
Is poor bowel control common?About one in 20 people has poor bowel control. Both men and women can have poor bowel control. It is more common as you get older, but a lot of young people also have poor bowel control. Many people with poor bowel control also have poor bladder control (wetting themselves). |
Karaniwan ba ang hindi mahusay na pagkontrol sa pagdumi?Halos isa sa 20 katao ay may kahinaan sa pagkontrol sa pagdumi. Ang kapwa kalalakihan at kababaihan ay maaaring magkaroon ng kahinaan sa pagkontrol sa pagdumi. Ito ay mas karaniwan habang ikaw ay tumatanda, ngunit maraming kabataan pa lang ay mayroon ding kahinaan sa pagkontrol sa pagdumi. Maraming tao na mahina ang pagkontrol sa pagdumi ay mayroon ding kahinaan sa pagkontrol ng pantog (napapaihi nang hindi sinasadya). |
What causes poor bowel control?Weak Muscles Weak back passage muscles may be due to:
|
Ano ang mga sanhi ng kahinaan sa pagkontrol sa pagdumi?Mahinang mga Kalamnan Ang mahinang mga kalamnan sa puwitan ay maaaring dahilan sa:
|
Severe Diarrhoea Diarrhoea means passing loose motions. There are many causes and it is a good idea to see your doctor to find out what can be done about this problem. |
Malubhang Diyariya Ang ibig sabihin ng diyariya ay pagtatae o pagkukurso. Maraming mga dahilan at makabubuti na magpatingin sa doktor upang alamin kung ano ang maaaring gawin tungkol sa problemang ito. |
Constipation Constipation is a very common cause of bowel mishaps in older people or people with a disability. Motions can sometimes get clogged in the lower bowel and liquid can leak out around the clogged mass, which looks like there is a loss of bowel control. |
Pagtitibi Ang pagtitibi ay ang pinakakaraniwang dahilan ng mga aksidente ng pagdumi sa mga matatanda o taong may kapansanan. Ang mga dumi ay maaaring nagbabara sa mas mababang bituka at ang likido ay maaaring tumagas sa palibot ng nagbarang dumi, na para bang kawalan ng pagkontrol sa pagdumi |
What should you do about poor bowel control?There are many causes of poor bowel control, so a careful check is needed to find the causes and things that might make it worse. If you often have bowel mishaps, you should first talk to your doctor. You should also let your doctor know if you have:
Your doctor may:
|
Ano ang dapat kong gawin tungkol sa mahinang pagkontrol sa pagdumi?Maraming mga dahilan ang mahinang pagkontrol sa pagdumi, kayat kinakailangan ang maingat na pagsusuri upang malaman ang mga dahilan at mga bagay na maaaring magpalala nito. Kung ikaw ay madalas na nagkakaroon ng aksidente sa pagdumi, dapat mo munang kausapin ang iyong doktor. Dapat mo ring ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay may:
Ang iyong doktor ay maaaring:
|
How can poor bowel control be helped?Because loss of bowel control is a warning sign and not a disease, the right care will depend on what is causing the problem. Care may include:
|
Paano malulutas ang hindi mahusay na pagkontrol sa pagdumi?Sa dahilang ang kawalan ng kontrol sa pagdumi ay isang babalang pahiwatig at hindi isang sakit, ang tamang pangangalaga ay maibabatay sa kung ano ang sanhi ng problema. Maaaring kabilang sa pangangalaga ang:
|
For people with dementia or confusionPeople with dementia or confusion may not feel, or be aware of, the urge to empty their bowels. This can lead to leaking of a normal bowel action. A common time for this to happen is soon after a meal, often breakfast. Watching the person’s bowel habits for a while may help to show a pattern of bowel habits. Also, keeping track of how they act may help to find out when a bowel motion will happen. Then the person can be taken to the toilet in time. |
Para sa mga taong may demensya o pagkalitoAng mga taong may demensya o pagkalito ay maaaring hindi makadama, o makaalam ng pangangailangang dumumi. Ito ay maaaring mauwi sa pagtagas ng normal na paglabas ng dumi. Karaniwang nangyayari ito pagkatapos kumain, kadalasan sa almusal. Ang pagsubaybay sa mga gawi sa pagdumi ng isang tao nang ilang panahon ay maaaring makatulong upang ipakita ang huwaran ng mga gawi sa pagdumi. Gayundin, makatutulong ang pagsubaybay kung paano sila kumilos kung malapit na ang pagdumi. Pagkatapos maaaring dalhin kaagad ang tao sa kubeta sa tamang oras. |
Seek helpQualified nurses are available if you call the National Continence Helpline on 1800 33 00 66* (Monday to Friday, between 8.00am to 8.00pm Australian Eastern Standard Time) for free:
If you have difficulty speaking or understanding English you can access the Helpline through the free Telephone Interpreter Service on 13 14 50. The phone will be answered in English, so please name the language you speak and wait on the phone. You will be connected to an interpreter who speaks your language. Tell the interpreter you wish to call the National Continence Helpline on 1800 33 00 66. Wait on the phone to be connected and the interpreter will assist you to speak with a continence nurse advisor. All calls are confidential. * Calls from mobile telephones are charged at applicable rates. |
Humingi ng tulongMay mga kwalipikadong nurses kung tatawag kayo sa National Continence Helpline sa 1800 33 00 66* (Lunes hanggang Biyernes, mula alas-8.00 ng umaga hanggang alas-8.00 ng gabi Australian Eastern Standard Time) walang bayad:
Kung nahihirapan kayong magsalita at makaintindi ng Ingles matatawagan ninyo ang Helpline sa pamamagitan ng walang bayad na Telephone Interpreter Service sa 13 14 50. Ang telepono ay sasagutin sa Ingles, kaya sabihin lang kung ano ang inyong wika at maghintay sa telepono. Ikokonekta kayo sa interpreter na nagsasalita ng inyong wika. Sabihin sa interpreter na gusto ninyong tawagan ang National Continence Helpline sa 1800 33 00 66. Maghintay sa telepono para maikonekta at tutulungan kayo ng interpreter na makipag-usap sa isang continence nurse advisor. Ang lahat ng tawag ay kompidensyal. * Ang mga tawag mula sa teleponong mobile ay sinisingil sa angkop na halaga. |