For some people, it is necessary to use continence products such as pads, pants, catheters, urine drainage bags or bedding protection products to manage their condition. For some people, the continence products may be needed long term. Consequently, the cost of these products becomes very expensive, putting unreasonable pressure on the household budget. |
Para sa ilang tao, kailangan ang paggamit ng mga produktong tumutulong sa pagkontrol ng problema sa pag-ihi at pagdumi (continence products) katulad ng pad, pantalon, catheters, mga bag para pagpatuluan ng ihi (urine drainage bag) o mga proteksyong pansapin sa kama upang mapangasiwaan ang kanilang kondisyon. Para sa ilang tao, ang continence products ay maaring kailanganin nang pangmatagalan. Dahil dito, ang halaga ng mga produktong ito ay nagiging masyadong mahal, at masyadong nagpapabigat sa badyet ng sambahayan. |
A continence clinic or the National Continence Helpline can provide you with contact details for suppliers of continence products. They can also provide you with information about your eligibility for funding schemes, which may assist with the ongoing costs of purchasing and replacing continence products. |
Ang continence clinic o ang National Continence Helpline ay makakapagbigay sa inyo ng makokontak na mga detalye ng mga tagatustos ng mga nasabing produkto. Mabibigyan din nila kayo ng impormasyon tungkol sa inyong pagiging kwalipikado para sa programa ng pagpopondo, na maaaring makatulong sa patuloy na gastusin sa pagbili at pagpapalit ng mga produkto. |
Note: An assessment by a continence nurse advisor is recommended to ensure that you or the person you are caring for uses the most appropriate continence product, including the correct fit and application of the product. |
Paala-ala: Ang pagtatasa ng isang continence nurse advisor ay inirerekomenda upang masiguro na kayo o ang taong inyong inaalagaan ay gumagamit ng pinakaangkop na produkto, kabilang ang tamang sukat at paggamit ng produkto. |
There are various funding schemes available for continence products funded by the Australian Government. These schemes have differing eligibility criteria and funding allocations, and it is important to note is that you may be eligible to apply for government funding through several schemes. Australian Government funding schemes are open to all Australian citizens who meet the eligibility criteria, regardless of which state of Australia they live in. |
May mga iba’t-ibang programa ng pagpopondo na makukuha para sa continence products na pinopondohan ng Gobyerno ng Australia. Ang mga programang ito ay may magkaka-ibang batayan ng pagiging-kwalipikado at alokasyon ng pondo, at mahalagang pansinin na maaari kayong kwalipikadong mag-aplay para sa pondo ng gobyerno sa pamamagitan ng mga ilang programa. Ang mga programa ng pagpopondo ng Gobyerno ng Australia ay bukas sa lahat mga kwalipikadong mamamayan ng Australia saan mang Estado ng Australia sila nakatira. |
There is also a range of state/territory government funding schemes available. For more information please contact the National Continence Helpline 1800 33 00 66. If you have any English language difficulties you can contact the Helpline by using the telephone interpreter service. Call 13 14 50. At first, a person will answer the call in English, name the language you speak and wait on the phone. You will be connected to an interpreter who speaks your language, then tell them you want to call the National Continence Helpline on 1800 33 00 66. Wait on the phone to be connected and the interpreter will assist you to speak with a continence nurse advisor. Telephone interpreter services are provided free of charge to you. |
Mayroon ding iba’t-ibang uri ng programa ng pagpopondo ang gobyerno ng estado/teritoryo. Para sa karagdamang impormasyon kontakin ang National Continence Helpline sa 1800 33 00 66. Kung nahihirapan kayo sa wikang Ingles maaari ninyong kontakin ang Helpline gamit ang telephone interpreter service. Tawagan ang 13 14 50. Sa umpisa, ang tawag ay sasagutin sa Ingles, sabihin kung ano inyong wika at maghintay sa telepono. Ikokonekta kayo sa isang interpreter na nagsasalita ng inyong wika, saka sabihin sa kanila na gusto ninyong tawagan ang National Continence Helpline sa 1800 33 00 66. Maghintay sa telepono para maikonekta at tutulungan kayo ng interpreter na makipag-usap sa isang continence nurse advisor. Ang Telephone interpreter services ay ipinagkakaloob sa inyo nang walang bayad. |